Kabataan, ano ka ba naman?
Sa tuwina'y aking katanungan
Di mo ba naiisip ang kahihinatnan
Kung kaya't nagkikibit balikat ka na lang.
Kabataan, ano ka ba naman?
Di mo ba nababatid ika'y kailangan
Sa araw ng bukas ng ating inang bayan
Maaari bang mag isip ka naman.
Kabataan, ano ka ba naman?
Ang simbahay ginagawa mo na lang tambayan
Ang konsensya mo ba'y tuluyan ng natabunan
Gumalang ka naman at nang ika'y biyayaan.
Kabataan, ano ka ba naman?
Bisyo, alak at mga kalaswaan
Ang iyong tanging sinasaluduhan
Sana'y minsa'y mamulat ka naman.
Kabataan, ano ka ba naman?
Di mo ba napapansin ang iyong kapaligiran
tapon dito't wala ka man lang pakundangan
di ba maaring tumulong ka man lang.
Kabataan, ano ka ba naman?
Di mo ba napapansin ang iyong mga magulang
Na naghihirap upang ika'y igapang
Sana nama'y gumising ka naman.
Kabataan, maari bang ika'ylumaban?
Alang-alang na rin sayong kinabukasan
Upang hindi maging palaboy sa lansangan
Na marapat ihanay sa mabubuti't iginagalang.
Kabataan, ibahin ang nakasanayan
Upang tao'y hindi ka layuan
Sa kanila'y ipakitang mayroon kang kalakasan
Na marapat tularan ng sususnod na kamalayan.